PH papunta na sa inflation target path – Medalla

PH papunta na sa inflation target path – Medalla

January 24, 2023 @ 10:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla nitong Lunes, Enero 23 na ang bansa ay patungo na sa inflation target rate nito para sa ikalawang bahagi ng 2023.

Kasabay ng Philippine economic briefing sa Frankfurt, Germany, sinabi ni Medalla sa mga business leaders na ang inflation rate sa bansa ay nakokontrol na ng supply-side factors mula sa dating epekto ng global-related issues.

Aniya, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para solusyunan ang naturang isyu katulad ng pagpapabilis sa pag-aangkat ng ilang agricultural products tulad ng bigas, asukal at karne.

Ito, ayon kay Medalla, ay senyales ng pagbabalik-normal ng inflation kasabay ng pagbagal nito sa month-on-month level.

“Unless there is a large shock again that’s associated with the weather, we do not see the shocks propagating into a self-fulfilling prophecy because of our very aggressive monetary policy,” aniya. RNT/JGC