PH pole vaulter Uy, bronze sa Golden Fly Series sa Phuket

PH pole vaulter Uy, bronze sa Golden Fly Series sa Phuket

December 7, 2021 @ 10:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naibulsa ni Natalie Uy ng Pilipinas ang bronze medal sa Golden Fly Series Phuket 2021 nitong linggo.

Nalundag ng 27-year-old na si  Uy ang third place matapos lusutaan ang 4.21 meters kasunod ni winner Holly Bradshaw ng Great Britain (4.51 meters) at Kristen Brown ng United States (4.21 meters).

Matatandaang nasungkit ni Uy ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games at rumehistro ng bagong Games record na 4.25 meters.

Huling lumahok si Uy sa kumpetisyon noong July 31 nang magkampeon ito sa Rocket Man Pole Vault Summer Series 2021 Meet No. 9 sa Mooresville, North Carolina nang lundagin nito ang 4.25 meters.

Ang Golden Fly Series ay kaparehong event kung rumehistro si EJ Obiena ng Asian record na 5.93 meters sa isa nitong legs sa Innsbruck noong September.JC