PH positivity rate 1.1% na lang

PH positivity rate 1.1% na lang

December 12, 2021 @ 9:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas nitong Sabado ng positivity rate na 1.1 porsyento, pinakamababa simula nang maging available ang datos sa bansa, sa pagkumpirma ng 356 pang kaso ng coronavirus disease (COVID-19). 

Ito ang ikalawang araw na mas mababa sa 400 ang daily tally.

Sinabi naman ni ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido na ito na umano ang pinakamababang bilang ng mga indibidwal na nakikipaglaban sa virus simula noong Mayo 28, 2020. 

Batay ang positivity rate sa bulletin sa mga nakolektang sample mula sa 35,230 indibidwal noong Huwebes.

Ayon kay Guido, itop umano ang pinakamababang positivity rate sa bansa simula nang maging available ang datos noong April 2020.

Maigting ang paghahanda na ginagawa ng bansa sa Omicron variant, kung saan ilang karatig-bansa sa Southeast Asia ang nakapagtala ng kaso nito. RNT/SA