PH powerlifting team pinuri ni PBBM sa tagumpay sa SEA Cup

PH powerlifting team pinuri ni PBBM sa tagumpay sa SEA Cup

September 22, 2022 @ 3:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules ang Philippine Powerlifting Team para sa kanilang matagumpay na pagpapakita sa 2022 Southeast Asian Cup sa Johor Bahru, Malaysia.

“Iba ang lakas ng Pilipino! Ating binibigyang-pugay ang mga atletang Pilipino na lumahok sa Men’s and Women’s Open and Junior category ng 2022 Southeast Asian Cup sa bansang Malaysia,” sabi ni Marcos sa kanyang opisyal na Facebook page.

Nasungkit ng Filipino team ang 78 medalya — 44 gold, 17 silver, 17 bronze — sa Men’s and Women’s Open at Junior categories.

“Maraming salamat sa karangalang inyong nakamit para sa ating bansa. Mabuhay kayo at lahat ng atletang Pilipino,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Powerlifting Team ay naghahanda para sa Asian Championships sa Disyembre.

Ang SEA Cup, na ginanap mula Setyembre 15 hanggang 18, ay inorganisa ng International Powerlifting Federation, Asian Powerlifting Federation, at Malaysian Association for Powerlifting.

Ang Powerlifting ay isang barbell strength sport na umiikot sa pag-angat ng pinakamaraming timbang sa Squat, Bench Press, at Deadlift. RNT