Pagbisita ni Defense chief Austin sa Pinas, kinumpirma ng US gov’t

January 28, 2023 @10:24 AM
Views: 12
MANILA, Philippines- Kinumpirma ng US government ang pagbisita ni Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pilipinas.
“Secretary of Defense Lloyd J. Austin III will depart Jan. 29 for a trip to the Republic of Korea and the Philippines,” anang US Department of Defense nitong Huwebes.
“During his visits, he will meet with senior government and military leaders in both countries to advance regional stability and further strengthen the defense partnerships with the United States,” dagdag niya.
“This trip reaffirms the deep commitment of the United States to work in concert with allies and partners in support of the shared vision of preserving a free and open Indo-Pacific,” saad sa ipinalabas na abiso.
Inilahad ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes na balak ni Austin na bumisita sa Pilipinas.
Sinabi ni Romualdez na nais makipagkita ni Austin sa kanyang Filipino counterpart na si Secretary Carlito Galvez Jr., na itinalagang mamunod sa defense and security sector ng Pilipinas nitong buwan.
“The main purpose is really to be able to again be able to interact with our defense establishments especially with our new Defense secretary,” aniya.
Ito ay matapos ding isiwalat na mayroong talakayan sa pagitan ng Manila at Washington hinggil sa pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea. RNT/SA
James, may iniinda; concert tour, ipinagpaliban!

January 28, 2023 @10:22 AM
Views: 12
Manila, Philippines – Kinailangang i-postpone ni James Reid ang kanyang Lovescene tour sa North America na dapat sana’y gaganapin ilang araw na lang.
Sa isang liham para sa kanyang mga tagasuporta, ikinalulungkot ni James na hindi matutuloy as scheduled ang kanyang tour.
Binanggit niya ang mga iniindang physical, emotional at mental concerns sa likod ng postponement.
Aniya, making his music ang top priority niya kaya hindi raw patas kung hindi niya maibibigay ang “performance at experience” na deserve mapanood ng kanyang mga tagahanga.
Iaanunsyo raw niya kung kailan matutuloy ang nasabing North American tour.
Ang tour ni James ay inspirasyon mula sa kanyang album na Lovescene na ini-release noong October last year.
Nasa ilalim ito ng Careless Music label na pag-aari niya.
Nangako naman si James na asahan daw siya na sumulpot muli as a stronger person with more music and a better performer.
Hindi na idinetalye pa ni James ang partikular na physical, emotional at mental concern na pinagdaraanan niya.
In stark contrast naman ito sa itinatakbo ng showbiz career ng dating nobyang si Nadine Lustre.
Bukod sa highest grossing ang pelikula niyang Deleter sa Metro Manila Film Festival noong isang taon, naiuwi pa ng Viva artist ang Best Actress Award.
Coming up roses din ang lovelife nito sa nobyong si Christophe Bariou.
Bukod sa kanyang music, mina-manage din ni James si Liza Soberano whose career sèems to be at a standstill. Ronnie Carrasco III
Guiuan, E. Samar niyanig ng M-5.5 quake

January 28, 2023 @10:10 AM
Views: 16
MANILA, Philippines- Tumama ang 5.5-magnitude lindol sa northwest ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ito kaninang alas-4:25 ng umaga at may lalim ng 80 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
-
Intensity IV – Guiuan, Lawaan, Mercedes, and Salcedo, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, City of Baybay, Dulag, Javier, La Paz, Palo, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, and Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte
-
Intensity III – General MacArthur, Eastern Samar; Babatngon, Barugo, Leyte, Pastrana, and Tunga, Leyte; City of Tacloban
-
Intensity II – Maydolong, Eastern Samar; Albuera, Leyte; Ormoc City
-
Intensity I – City of Cebu
Wala namang inaasahang pinsala subalit maaaring magkaroon ng aftershocks, dagdag ng ahensya. RNT/SA
3 durugista timbog sa P100K shabu sa Malabon buy-bust

January 28, 2023 @10:08 AM
Views: 16
MANILA, Philippines- Kulungan ang kinasadlakan ng tatlong listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Christopher Villagracia alyas “Ian”, 34, (pusher/listed), Michael Ramos alyas “Nognog”, 42, sampaguita vendor, (user/listed) at Manuel Joseph Cordero alyas “Manjos”, 33, pedicab driver, (user/listed) at pawang residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Daro, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation M.H. Del Pilar St. corner Panghulo Road. Brgy. Panghulo matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng illegal drugs ni Villagracia.
Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad dinamba ng mga operatiba si Villagracia at kasabwat niyang si Ramos habang pinosasan din si Cordero na sinasabing parokyano ng dalawa.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 16 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value P108,800 at buy-bust money.
Ani PSSg Jerry G Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura
Sa pagdating ng inangkat na kalakal, presyo ng sibuyas patuloy na bumababa

January 28, 2023 @9:56 AM
Views: 23