PH Red Cross naghahanda sa posibleng bagyo

PH Red Cross naghahanda sa posibleng bagyo

December 12, 2021 @ 12:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inalerto na ng Philippine  Red Cross (PRC) ang lahat ng kanilang serbisyo, chapters at volunteers para sa paghahanda sa  low-pressure area (LPA) na maaring maging  tropical depression.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang  LPA ay nasa 1,945 kilometro southeast ng Mindanao na maaaring maging tropical depression  at pumasok sa PAR sa Martes.

Kasunod nito, inulit ni PRC Chairman/CEO Sen. Richard Gordon ang kahalagahan ng 4Ps ng Red Cross sa panahon ng mga sakuna.

“Predict, Plan, Prepare, and Practice. Dapat marunong tayo mag predict kung kelan papasok ang bagyo, dapat tayo ay nag pa-plano kung saan ang mga evacuation centers kung sakali ang matinding pag-baha, we need to prepare, ihanda natin ang mga kailangan kagaya ng Go-bag na naglalaman ng Pagkain, medisina, tubig, at iba pang mga kailangan. And lastly, we need to practice para malaman rin ng iba ang gagawin sa mga pagkakataon na bumagyo sa ating mga lugar,” ayon kay Gordon.

Pinapalakas ng PRC ang mga disaster management services nito  sa  pamamagitan ng mga local chapters nito kung saan  handa ang lahat ng sasakyang pang-rescue at emergency response unit para sa mga sitwasyong tulad nito.

Sa pamamagitan ng mga boluntaryo, logistik, at information technology  ng PRC, ang Red Cross ay laging nauuna, laging handa, at laging nandiyan sa bawat sitwasyon kung saan kailangan ng tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden