PH Red Cross naiinip na sa matagal na pag-apruba ng HTAC sa saliva test

PH Red Cross naiinip na sa matagal na pag-apruba ng HTAC sa saliva test

March 15, 2021 @ 12:58 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sinita ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon ang Department of Health’s Health Technology Assessment Council (DOH HTAC) sa usad-pagong nitong pag-apruba sa saliva reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Dapat umanong naaksyunan na ng HTAC ang kanilang panukala sa paggamit ng saliva test kasabay ng tumataas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

“Ang binabayad sa Red Cross sa swab test ay P3,409. Itong sa saliva test P2,000, kung ikaw ay may utang na malaki, P3,409 ang singil sayo bakit hindi gawin ng gobyerno ilipat dun sa P2,000 kalahati agad ang matitipid ng gobyerno sa pagbayad sa mamayang Pilipino na assured sa Universal Health Care.”

Sinabi pa ng Senador na common sense naman ang nasabing aksyon.

“Common sense yan eh, baka may butas na ulo ng iba dyan hindi na nakakaisip ng matino.”

Giit pa ni Gordon na Oktubre pa noong 2020 nang hilingin ng PRC para magamit ng publiko ang kanilang saliva test na inilunsad noong Enero 2021.

“Ngayon nasa March na tayo, wala pa ‘yung HTAC approval.” RNT