PH Red Cross nakiisa sa World Toilet Day 2022  

PH Red Cross nakiisa sa World Toilet Day 2022  

November 19, 2022 @ 4:01 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagdiriwang ng United Nations World Toilet Day 2022 campaign ngayong araw, Nobyembre 19.

Tinawag itong  “Making the Invisible Visible” na may temang  “Sanitation and Groundwater”.

Ang kampanya ay nakatuon sa epekto ng hindi sapat na mga sistema ng sanitasyon sa mga mapagkukunan ng tubig sa ilalim ng lupa.

“We strive every day to ensure that every Filipino will have access to adequate sanitation facilities. PRC strongly believes that sanitation facilities should always promote respect and dignity of everyone, especially the most vulnerable,” sabi ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

Ayon sa 2020 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng Philippines Statistics Authority, 20 percent ng pamilyang Pilipino  na alinman ay may limitado at nakabahaging mga pasilidad ng palikuran o magsagawa ng open defecation.

Matagal nang nagbibigay ang PRC ng promosyon ng kalinisan at pagtatayo ng mga pasilidad sa kalinisan sa mga paaralan at mga vulnerable communities.

“Safe sanitation protects groundwater. Toilets placed and connected to safely managed sanitation systems help prevent human waste from spreading into groundwater,” ayon sa PRC. Jocelyn Tabangcura-Domenden