PH Red Cross volunteers handa na sa Tropical Storm Karding

PH Red Cross volunteers handa na sa Tropical Storm Karding

September 24, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inalerto na ng Philippine Red Cross o PRC ang lahat ng kanilang volunteers at staff para sa pagresponde sa Tropical Storm Karding na magpapaulan sa buong Batanes, Cagayan, at Isabela ngayong Sabado o Linggo.

Ang matinding pag-ulan ay magdudulot ng pagbaba at landslide kaya naman pinaalalahanan ng PRC ang publiko na sundin ang 4P’s ng organisasyon.

Ito ay ang Predict, Plan, Prepare, and Practise, habang naka-monitor ang PRC sa sitwasyon ang kanilang mga chapters sa pamamagitan ng kanilang state-of-the-art operations center.

“Maging alerto at maging handa. ‘Yan ang lagi nating mensahe sa mga Red Cross chapters kapag may parating na bagyo. Ang Red Cross ay nagsisikap na laging maging una, laging handa, at laging nandyan para sa ating mga kababayan,” sabi ni Chairman Richard Gordon.

Para sa anumang emergency assistance, maari lamang umanong tumawag sa PRC’s Operations Center sa 143 o (02) 8790 2300. Jocelyn Tabangcura-Domenden