PH remittances bumulusok ng 1.7% noong Enero

PH remittances bumulusok ng 1.7% noong Enero

March 15, 2021 @ 2:43 PM 1 year ago


MANILA, Philippines –  Bumaba ang antas ng pagpapadala sa Pilipinas ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Lunes.

Pumalo lang sa 1.7% o $2.603 billion ang cash remittances, o perang ipinadadala sa bansa sa bangko, ang naitala nitong Enero 2021 mula sa $2.648 billion noong 2020.

Sa bilang na ito, umabot sa $2.044 billion ang nagmula sa mga land-based worker, habang $58 million sa sea-based workers.

Sa United States nagmula ang pinakamalaking bahagi (40.9%) sa nasabing pagpapadala, sinundan ng Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, Canada, United Arab Emirates, Qatar, Malaysia at Taiwan (pinagsama-samang 78.2%).

Samantala, bumama rin ng 1.7% o 2.895 billion ngayong Enero mula sa $2.944 billion noong nakaraang taon ang naitalang personal remittances, o ang ipinadalang pera o in-kind sa pamamagitan ng informal channels. RNT