PH reserves bumaba nitong Nobyembre – BSP

PH reserves bumaba nitong Nobyembre – BSP

December 8, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dumausdos ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas nitong buwan ng Nobyembre  bunsod ng ‘outflows’ mula sa payments o pagbabayad  ng gobyerno sa debt obligations nito.

Makikita kasi sa ipinalabas na data ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang GIR ay pumalo sa  $93.954 billion noong nakaraang buwan, bumaba mula sa $94.027 billion noong Oktubre at $107.723 billion noong Nobyembre ng taong 2021.

Sinabi ng BSP na ang pinakabagong level ay may katumbas na “7.5 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income, 6.9 times the country’s short-term external debt based on original maturity, and 4.2 times based on residual maturity.”

“The month-on-month decrease in the GIR level reflected mainly the national government’s payments of its foreign currency debt obligations and the Bangko Sentral ng Pilipinas’ net foreign exchange operations,” ayon sa BSP.

Ipinapakita rin sa latest data na available mula sa Bureau of the Treasury (BTr) na ang ‘running debt’ ng gobyerno ay umakyat sa  bagong all-time high na  P13.64 trillion “as of end-October,” mula sa  P13.517 trillion ng nakaraang  buwan.

Ang net international reserves, ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR at reserve liabilities gaya ng  short-term foreign debt at ‘credit and loans’ ay bumaba rin sa  $93.93 billion mula sa  $93.99 billion noong Oktubre.

“Reserves are expected to increase in the last two months of the year, in line with remittance inflows amid the holiday season,” ayon kay  Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Chief Economist Michael Ricafort.

“For the coming months, especially for the remaining months of the year, GIR could still increase due to the seasonal increase, especially towards the holiday season towards the end of 2022,” aniya pa rin sa hiwalay na komentaryo.

Kasama sa growth drivers ang revenues o kita mula sa  business process outsourcing (BPO) firms, foreign tourism, at proceeds mula sa panukalang dollar-denominated bond issuance.

Wika pa ng BSP,  maaari aniya itong i-offset sa “foreign debt payments, intervention activities on the foreign exchange, and other measures to help stabilize the peso and manage inflation.” Kris Jose