PH Rugby pang-26 sa mundo

PH Rugby pang-26 sa mundo

December 14, 2021 @ 10:01 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Todo ang kasiyahan ng Philippine National Rugby League o PNRL matapos silang hiranging pang-26 sa mundo base sa pinakahuling datos ng Official International Rugby League (IRL) World Rankings.

Ayon kay PNRL President Reynaldo Nery, isa itong malaking tagumpay para sa national team.

“Sulit ang paghihirap ng grupo dahil sa kanilang nakamit na tagump;ayh sa kanilang ranking,” ani Nery.

Ayon sa ulat, ang kasalukuyang ranking ng Pilipinas ay ang pinakamataas na ranked na nakamit ng Asian Rugby League nation.JC