PH ‘safe haven’ ng refugees – UNHCR

PH ‘safe haven’ ng refugees – UNHCR

October 7, 2022 @ 1:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng United Nations High Commissioner on Refugees (UNHCR) ang Pilipinas sa hindi matatawaran pagsisikap nito na gawing ‘safe haven’ ang bansa para sa mga refugees at vulnerable groups.

Sa isang pahayag kasabay ng pulong kasama si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Geneva, Switzerland, sinabi ni UNHR Filippo Grandi na kahanga-hanga ito at dapat tularan ng mga Southeast Asian countries ang ginagawang ito ng bansa.

“Mr. Grandi recognized the many positive gestures from the Philippines, citing that the country has been a good example in the Southeast Asian region,” anang Philippine Mission.

“Mr. Grandi reiterated the need for solidarity of the international community in addressing humanitarian challenges, and said that the Philippines and the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) can contribute in this regard,” dagdag pa nito.

Kabilang din sa nabanggit ni Remulla kay Grandi ang nagdaan humanitarian priorities at iba pang inisyatibo ng Pilipinas.

“This year alone, the Philippines has acceded to the 1961 Statelessness Convention, enacted the Foundling Act, established an inter-agency committee to protect persons of concern, and piloted the Complementary Pathways program for Rohingyas.”

Bilang pagtatapos, nagpaabot rin ng matinding suporta sa Remulla sa pangako ng bansa na makapag-ambag ng malaki sa global humanitarian agenda.

Pinangunahan ng Kalihim ang delegasyon ng Pilipinas sa Geneva para sa Enhanced Interactive Dialogue sa UN Human Rights Council at revalida ng International Covenant on Civil and Political Rights.

Kasama niya sina Philippine Permanent Representative to the UN in Geneva Ambassador Evan P. Garcia; DOJ Undersecretaries Jesse Hermogenes T. Andres at Raul T. Vasquez; Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Kira Danganan Azucena; Ambassador at Deputy Permanent Delegate Maria Teresa T. Almoquela; maging ang iba pang opisyal mula sa DFA at Department of Finance. RNT/JGC