PH SEA games bodybuilders uuwing luhaan sa ‘doping rule’

PH SEA games bodybuilders uuwing luhaan sa ‘doping rule’

May 16, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Uuwing luhaan ang mga bodybuilder mula sa Pilipinas matapos pagbabawalan na sumabak sa nagpapatuloy na SEA Games dahil sa hindi pagsunod sa anti-doping rules.

Ang pangkat ng bodybuilding ng walong lalaki at isang babae ay nakatakdang umuwi na ng Pilipinas mula sa Hanoi, Vietnam.

Sinabi ng isang opisyal ng palaro, hindi umano nakasunod ang Pilipinas tungkol sa pagbibigay ng sapat na ebidensya na ang mga atleta ay nagsagawa ng doping tests tatlong linggo na mas maaga.

Sinabi ni Lorelei Rose Pedrano Deloria, na sasabak sana nitong Linggo sa mixed pairs, na nasira ang mga pangarap niya at ng kanyang mga kasamahan sa koponan at na-depress sila sa nasabing resulta.

“We were super-excited about this [the Games]. It was an opportunity to represent the country and bring honor to our country,” ayon sa 29-year-old na atleta sa AFP.

“We weren’t able to compete. We were not even able to step on the stage.”

Sinabi ng Filipino bodybuilders na una nilang nalaman ang problema nang dumating sila sa Hanoi noong Miyerkules, kung saan ang koponan ay desperadong naghahanap ng paraan upang maisalba ang kanilang mga laro.

Pero sa isang pahayag ni Chetan Pathare, isang technical delegate para sa SEA Games, sa AFP sinabi niyang: “The doping certificate, the clearance certificate, is a must. It clearly mentioned [in an event handbook], and [was] not complied by the Philippines.

“And that is the only reason they were not allowed,” aniya pa, saka idinagdag na ang Vietnam sports officials ay masusing ipinagbigay alam sa lahat ng national Olympic committees ang mga alituntunin sa palaro.

Sa kabila ng kabiguan, determinado ang mga bodybuilder na magkaroon na bumawi sa susunod na SEA Games, sa 2023 sa Cambodia.

“Yung preparation namin for next year’s SEA Games… will start when we arrived back in the Philippines,” ani Jesse Virata Bermudo. RNT