PH sepak ‘di patatalo sa Thailand, Myanmar

PH sepak ‘di patatalo sa Thailand, Myanmar

November 30, 2019 @ 2:27 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

SUBIC- Hindi patatalo ang Philippine Sepak Takraw team kontra sa heavy favorite na reigning champion Thailand at silver medalist Myanmar sa pagsiklab ng  kumpetisyon sa 30th Southeast Asian Games ngayon araw sa Subic Gymnasium.

Matatandaang noong huling edisyon ng SEAG sa  Kuala Lumpur, nagkampeon ang Thailand (6-1-0) at silver naman ang  Myanmar (4-2-1) habang bronze ang naibulsa ng host Malaysia (2-3-6).

Ayon sa mga Pinoy hindi sila papayag na matalo dahil hawak nila ngayon ang homecourt advantage.

Bilang host, ang Pilipinas may prebilehiyo na lumaban sa anim na events habang ang top bets na Thailand at Myanmar kasama ang Indonesia, Laos, Singapore, Cambodia at Vietnam ay pwede lang lumahok sa dalawang events – dalawa sa men’s at isa sa women’s.

Bukod sa target na unang gold medal, nakatuon din ang pansin ng mga Pinoy na maibulsa ang tatlong gold para matulungan ang bansa sa layunin nitong overall championship.

Nangunguna sa pagsugod ang pambato ng bansa na si Jason Huerte, Reyjay Ortuste at Ronsted Cabayeron  na nagwagi ng silver sa men’s regu event sa 2017 SEAG kasama sina Mary Ann Lopez, Jean Marie Sucalit at Lheill Lhaina Mangubat ng women’s team.

Magsisimula ang sepak takraw competition sa men’s hoop event ngayon araw sa ika 9 ng umaga sa Subic Gym na pinuri ni International Sepaktakraw Federation Inc. director general Abdul Kader bilang best sepak takraw venue sa SEAG history.

Samantala, ang centrepiece regu event at team double’s event sa men at women’s division ay sisipa bukas hanggang Dec. 10 na may kabuuang six gold medals na nakataya.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...