PH, SG leaders: Suu Kyi palayain na

PH, SG leaders: Suu Kyi palayain na

September 8, 2022 @ 9:44 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga lider ng Pilipinas at Singapore na palayain na si Aung San Suu Kyi, U Win Myint, at mga foreign detainee.

Labis na kasing nag-aalala ang mga nasabing lider ng dalawang bansa sa political crisis sa Myanmar.

Nauna rito, nagkaroon ng hiwalay na pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kina Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan napag-usapan ang regional at international developments.

“The Leaders called for the release of all political detainees including President U Win Myint, State Counsellor Aung San Suu Kyi, and foreign detainees,” ang nakasaad sa joint press statement.

Nakasaad pa rin sa kalatas na nanawagan ang mga nasabing lider sa Myanmar na iwasan ang aksyon “that would be inimical to eventual national reconciliation in Myanmar.”

“They also expressed deep disappointment at the limited progress in and lack of commitment of the military authorities to the timely and complete implementation of the ASEAN Five-Point Consensus, including the lack of cooperation by the Myanmar military authorities to facilitate the ASEAN Special Envoy to engage in constructive dialogue with all parties concerned,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

Sa ulat, sinentensyahan ng tatlong taong pagkakulong na may kasamang hard labor ang Nobel laureate at dating leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Ayon sa ulat ng Reuters, napatunayang guilty ng pandaraya sa halalan si Suu Kyi.

Nauna nang nasentensyahan ng 17 taong pagkakulong si Suu Kyi matapos siyang mapatalsik sa isang coup noong nakaraang taon.

Patong-patong na kaso, kabilang ang corruption, ang ibinato kay Suu Kyi na lahat naman ay itinanggi niya.

Kanina, nahatulan siyang guilty sa electoral fraud noong 2020 general election kung saan landslide ang pagkapanalo ng kanyang partidong National League for Democracy at tinalo ang partidong suportado naman ng militar.

Tiniyak naman ng military junta sa Myanmar na binibigyan nila ng due process si Suu Kyi. Kris Jose