PH skater Didal pasok sa Olympics

PH skater Didal pasok sa Olympics

June 5, 2021 @ 9:37 AM 2 years ago


MANILA— Nasungkit ni Filipino skater Margielyn Didal ang isang slot saTokyo Olympics nang magtapos na 13th place sa World Skate Championships sa Rome, Italy, ayon sa Skateboarding Association of the Philippines (SAP).

Inanunsyo ng SAP ang pagpasok ni Didal sa Olympics bago pa man magtapos ang Rome finals kung saan gagawin ang official na anunsyo ng mga kwalipikadong skaters na sasabak sa Summer Games.

“The official announcement of qualified skaters will only be released after the World Championships Finals in Rome, but Skate Pilipinas would like to be the first to announce that our very own @margielyndidal has earned a slot for the Tokyo Olympics. Congratulations Margie! Mabuhay ka Margie!” ani ng SAP sa Instagram post.

Sigurado na umanong pasok si Didal dahil nakapasok ito sa Top 16 cutoff matapos magtapos na 13th place.

Dahil sa pangyayari, magiging pang-sampung Filipino athletes ang 22-year-old Cebuana na lalahok sa quadrennial games kung saan unang ipakikila ang sports na skateboarding ngayong taon.

Una nang naka-qualified sa Olympics sina weightlifter Hidilyn Diaz, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio and Carlo Paalam, gymnast Caloy Yulo, pole vaulter EJ Obiena, taekwondo Jin Kurt Barbosa at rower Cris Nievarez.

Si Didal na nagwagi ng gold sa women’s street events sa Asiad in 2018 at sa 2019 Southeast Asian Games ay kasalukuyang naka-ranked na 14th sa mundo.

Nakatakdang sumipa ang Tokyo Olympics sa July matapos makansela noong isang taon dahil sa pagsiklab ng COVID-19 pandemic. Rico Navarro