PH tanker Gebbie humakot ng medalya sa Australia

PH tanker Gebbie humakot ng medalya sa Australia

March 5, 2021 @ 11:48 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Tumangay si Southeast Asian Games veteran Luke Gebbie ng maraming medalya — isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya – sa katatapos na Victoria Open Long Course Swimming Championships sa Australia.

Nakuha ni Gebbie ang gold medal nang manalasa ito sa men’s 100-meter butterfly sa bilis na 55.83 segundo para hiyain sina silver medalist Hamish McDougall (56.03) at bronze winner Luka Zubcic (56.54).

Pilak naman ang naibulsa ni Gebbie sa 50m butterfly sa itinala nitong 25.27 segundo habang naka-ginto naman si Jack Gerrard na may 25.24 segundo.

Naging 2nd place rin ang 24-anyos na si Gebbie sa 50m freestyle matapos itipa ang 23.39 segundo kasunod ni gold winner Andrew Lauterstein na may 22.77 segundo.

Nagtapos naman sa bronze si Gebbie sa 100m freestyle sa tiyempong 51.27 segundo habang naka-ginto si Benno Negri (50.52) at silver si Gerrard (50.95). Rico Navarro


  •  
  •  
  •