PH team na tumulong sa quake-hit Turkey, Syria pinarangalan sa Senado

PH team na tumulong sa quake-hit Turkey, Syria pinarangalan sa Senado

March 16, 2023 @ 9:20 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pinarangalan ng Senado nitong Miyerkules ang 82-man Philippine team na tumulong sa rescue at operations kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Ito ay kasunod ng pag-adopt sa Senate Resolution 535 na inisponsoran ni Senator JV Ejercito.

Orihinal itong iniakda ni Senator Lito Lapid. Lahat ng mga senador ay ginawang co-authors matapos ang adoption nito.

Binubuo ang 82-man team ng 21 mula sa 525th Engineer Combat Battalion ng AFP, 51st Brigade; 12 mula saAir Force 505th Search and Rescue Group; siyam galing sa Metropolitan Manila Development Authority; walo mula sa Subic Bay Metropolitan Authority; 30 galing sa Department of Health; at dalawa mula sa Office of the Civil Defense.

“Filipinos are known to help each other in times of need. No burden is to be carried alone. We spread the weight on each others’ shoulders and push forward together. The true spirit of bayanihan lives on and our kababayans have shared it to the people of Turkey and Syria,” bahagi ng sponsorship speech ni Ejercito.

“Sa mga panahon pong tayo ang nasalanta, hindi po tayo pinabayaan ng ibang mga bansa. It was our turn to give back to those who have extended their kindness during our moments of need,” patuloy niya. RNT/SA