PH territory ‘di isusuko ni PBBM

PH territory ‘di isusuko ni PBBM

September 24, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi isusuko ng Pilipinas ang anumang bahagi ng teritoryo nito.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng  Asia Society sa New York, araw  ng Sabado (Philippine time).

Sa kanyang naging talumpati sa idinaos na pulong ng Asia Society, sinabi ni Pangulong Marcos na, “I will not preside over any process that will abandon even a square inch of the territory of the Republic of the Philippines to any foreign power.”

Ang Pilipinas, kasama ang China, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, at  Taiwan ay mayroong overlapping claims sa South China Sea.

“We will continue to work with China and other claimant states with the end in view of solving the issues involving the West Philippine Sea through diplomacy and through dialogue,” ani Pangulong Marcos.

Hindi naman natitinig  ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito’y  para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pinag-aagawang katubigan.

“We know that we can count on the United States to uphold the international law-based order, freedom of navigation and overflight, and the sustainable use and development of maritime resources. But equally important, we look to the United States to promote peace, security, and prosperity,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, nagkita at nagkausap sa unang pagkakataon sa New York sina Pangulong  Marcos at US President Joe Biden.

Nasa US si Marcos para sa working visit kung saan dumalo siya sa United Nations General Assembly.

Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ang freedom of navigation at overflight sa South China Sea, sa harap ng hangarin ng China na kontrolin ang naturang bahagi ng karagatan.

“The leaders discussed the situation in the South China Sea and underscored their support for freedom of navigation and overflight and the peaceful resolution of disputes,” ayon sa pahayag ng White House matapos ang pagpupulong nina Marcos at Biden.

Bukod sa usapin ng South China Sea, nais din ni Biden na talakayin kay Marcos ang tungkol sa COVID-19 at renewable energy. Pinasalamatan ng lider ng US si Marcos sa pagtutol umano nito sa ginagawa ng Russia sa Ukraine.

Inaakusahan ng United States ang China na nagpapasimula ng gulo laban sa mga bansang may inaangking teritoryo sa South China Sea, at sa iba pang bansa na dumadaan sa naturang karagatan.

“The role of the United States in maintaining the peace in our region is something that is much appreciated by all the countries in the region and the Philippines especially,” ani Marcos.

Kilala ang Pilipinas na matagal nang kaalyado ng Amerika.

“We feel that we are especially fortunate because we have very strong foundation of a very long relationship and the strong relationships on various facets not only political, not only diplomatic, but also economic,” ayon kay Marcos.

“We continue to look to the United States for that continuing partnership and the maintenance of peace in our region,” dagdag niya.

Inihayag naman ng White House ang kahalagahan ng alyansa ng Amerika at Pilipinas.

“The leaders reflected on the importance of the US-Philippines alliance. President Biden reaffirmed the United States’ ironclad commitment to the defense of the Philippines,” ayon sa White House.

Sa naturang pulong, pinasalamatan ni Marcos si Biden sa “massive help” ng Amerika sa Pilipinas sa pagharap sa COVID-19 pandemic, partikular na sa mga bakuna.

“We had the provision of up to 35 — almost 36 million doses of vaccines very early on, ahead of some of the other countries,” ani Marcos. “And for that we are very, very grateful.” Kris Jose