PH trade gap dumoble sa Nobyembre 2021- PSA

PH trade gap dumoble sa Nobyembre 2021- PSA

January 11, 2022 @ 1:32 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Higit pa sa doble ang itinaas ng Philippine trade gap noong Nobyembre 2021 dahil sa mas malaking imports sa naturang buwan kumpara sa exports, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Nagkakahalaga ang balanse ng trade in goods (BoT-G) noong Nobyembre 2021 sa $4.706 bilyong deficit, mas mataas ng 119.5 porsyento mula sa $2.144 bilyong  deficit noong Nobyembre 2020, at mas malawak kumpara sa $4.018 bilyong deficit noong Oktubre.

Nangangahulugan ang deficit na ang halaga ng imports ng bansa ay lampas sa export receipts, habang ang surplus ay tumutukoy sa mas mataas na export shipments kumpara sa imports. RNT/SA