Ph trade gap pumalo sa 112% noong Disyembre 2021

Ph trade gap pumalo sa 112% noong Disyembre 2021

January 27, 2022 @ 2:05 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo pa sa 112% ang Philippine trade gap ng Pilipinas noong Disyembre.

Kasabay ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng import at mabilis na rate ng export.  .

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot ang ‘balance of trade in goods’ (BoT-G) sa $5.213 bilyon mula sa $2.449-bilyong deficit isang taon ang nakalipas.

Habang ang kabuuang external trade ng bansa ay umabot sa $17.754 bilyon mula sa $14.157 bilyon noong 2020.

Naitala namang top driver dito ang medicinal at pharmaceutical products na nasa 615.3%; mineral fuels, lubricants, at related materials na 15%; cereals at cereal preparations na 47.7%; transport equipment na 33.3%; at iron and steel na 33.1%.

Nakita rin ang pagtaas sa sektor ng miscellaneous manufactured articles, iba pang food and live animals, industrial machinery at equipment, at electronic products.

Samantala, ang total import value ng 2021 ay sumipa sa $117.78 bilyon kumpara sa $89.81 bilyon noong 2020.

Habang ang exports noong Disyembre 2019 ay pumalo sa $6.270 bilyon na mas mataas sa $5.854 bilyon noong Disyembre 2020. RNT/FGDC