PH trade perks ibibida ni PBBM sa EU leaders

PH trade perks ibibida ni PBBM sa EU leaders

December 13, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibibida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union (EU) ang trade privileges ng Pilipinas na napaulat na pinangangambahang suspendihin ng EU dahil sa usapin ng karapatang-pantao na tumugis sa Duterte administration.

“We’ll bring it up with the EU,” ang pahayag ni Pangulong Marcos, tinutukoy ang perks ng bansa sa ilalim ng Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+).

“GSP+ grants zero tariffs for the country’s exports to Europe on the condition that the government upholds 27 international conventions on human rights, labor, environment and climate action and good governance.”ayon naman sa ulat.

Sa nakalipas na administrasyon, tinawagan ng pansin ng EU ang Pilipinas na tugunan ang di umano’y human rights abuses — kabilang na ang extrajudicial killings — o tuluyang mawala ang trade perks.

“I don’t think one thing should be related to the other, but we’ll see,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Malakanyang na si Pangulong Marcos at kanyang high-level delegation ay magpupulong kasama ang mga opisyal ng European Commission, European Council at European Parliament sa summit sa Belgium.

Nakatakda namang mapaso ang trade perks sa Disyembre 2023 para sa Pilipinas.

Ang mga beneficiary countries ay kailangan na mag- reapply upang patuloy na magkaroon ng preferential access sa EU market. Kris Jose