PH train system, tinipid – urban transport expert

PH train system, tinipid – urban transport expert

January 23, 2023 @ 4:54 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Underinvested o ‘tinipid’ ang train system ng bansa.

Ito ang komento ng isang urban transport expert na si Benjie dela Peña sa panayam sa isang kilalang podcast.

“Under invested ‘yung train system natin,” aniya.

Nagpahayag din si Dela Peña ng pagkabahala sa sobra-sobrang paggasta sa pagpapagawa ng kalsada ngunit hindi napagtutuunan ng pansin ang mga tren.

“We spend so much on road, we don’t spend on train. Tapos feeling natin, private sector ang magke-carry ng load na ‘yan,” giit nito.

“So ang nangyayari, ‘yung franchise setups natin, nag-e-extract ng value ‘yung private sector on limited amounts, hindi na ma-improve ‘yung service, ‘di ba?” dagdag pa niya.

Para sa urban transport expert, dapat ay magtayo pa ang bansa ng mas maraming train facilities at maglaan din ng badyet para sa iba pang pampublikong transportasyon tulad ng bus at jeepney.

“It circles us back to this question of our leaders don’t experience public transportation. You cannot improve something without really experiencing it, right? Without listening to people who experience it every day. That’s the primary thing we need to do,” pagtatapos niya. RNT/JGC