PH transport system handa na sa Undas 2022

PH transport system handa na sa Undas 2022

October 28, 2022 @ 8:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakahanda ang lahat ng transport system ng bansa para sa Undas 2022.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na all system go na para sa lahat ng paliparan, land terminals, sea port, at train system sa selebrasyon ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.

“Naghanda kami sa mga airport, sa mga terminal ng bus, sa mga seaport, sa mga istasyon ng tren, full complement ang mga tao nila ngayon, at inaasahan naming makakapagbigay kami ng ayuda,” sabi ni Jonathan Gesmundo, executive assistant ng DOTr Secretary.

Ang lahat ng paliparan, aniya, ay magsisimula ng buong deployment simula Biyernes hanggang Nob. 3.

“Umaasa na kami ngayong pagbabalik ng dating sigla ng flights, at travels,” aniya pa.

Pinaalalahanan niya ang mga manlalakbay na sundin ang mga protocol ng Covid-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba ng physical distancing. RNT