PH-US alliance, solido! – DFA

PH-US alliance, solido! – DFA

February 3, 2023 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matatag katulad ng isang bato, ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang pahayag na ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Biyernes, Pebrero 3 ay kasunod ng pakikipagkita niya kay US Defense Secretary Lloyd Austin, na bumisita dito sa bansa.

“I had a very good first meeting with [Defense Secretary] Austin. There’s no doubt—PH-US Alliance is rock solid,” tweet ni Manalo.

“We identified key initiatives to improve mutual understanding of our priorities & challenges and to strengthen our relationship in ways that would secure our peoples,” dagdag pa niya.

Samantala, iginiit ni Austin na nananatiling determinado ang US na suportahan ang regional peace at prosperity sa Indo-Pacific region.

“We deeply value our ironclad alliance & working shoulder-to-shoulder with such an indispensable ally & friend,” sinabi naman ni Austin, sa pamamagitan ng kanyang tweet.

Matatandaan na kasabay ng pagbisita ni Austin, nagkasundo ang bansa at US na magtayo pa ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites.

Sinabi naman ng Department of National Defense na, “expansion of the Edca will make our alliance stronger and more resilient and will accelerate the modernization of our combined military capabilities.”

Samantala, sinabi naman ng China na ang mga aksyong ito ng US ay maaari lamang magpalala ng tensyon sa rehiyon. RNT/JGC