PH-US joint maritime patrol sa WPS sigurado ngayong taon – envoy

PH-US joint maritime patrol sa WPS sigurado ngayong taon – envoy

March 4, 2023 @ 9:22 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng ikasa na ngayong taon ang joint maritime patrols sa West Philippine Sea (WPS) ng Maynila at Washington, ayon kay Philippine ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez.

“I think Japan indicated that they are interested in how they can also be part of that…and Australia is considering this,” dagdag pa ng envoy.

Muling iginiit ni Romualdez na wala namang bansang tinatarget ang magkasanib na aktibidad at ang pangunahing layunin ng naturang maritime exercises ay paghusayin ang kakayahan ng depensa ng Pilipinas, gayundin ang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon, lalo na sa WPS.

Ang higit pang mga detalye sa panukalang joint activity ang inaasahang tatalakayin ngayong Abril sa tinatawag na “2+2 meeting” sa pagitan ng defense at foreign affairs officials mula sa Pilipinas at US.

Magpupulong din ang China at ang Association of Southeast Asian Nations ngayong buwan para ipagpatuloy ang negosasyon sa isang code of conduct sa South China Sea. RNT