PH-US ties mas lalakas sa pulong ni Biden, Marcos – Romualdez

PH-US ties mas lalakas sa pulong ni Biden, Marcos – Romualdez

September 23, 2022 @ 12:41 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mananatiling matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos kasunud ng naging pagpupulong nina US President Joe Biden at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang US ay major ally at partner ng Pilipinas pagdating sa economic, investment cooperation, defense at cultural at nakasisiguro ito na sa naging pulong ng dalawang lider ay magreresulta ito sa mas marami pang bilateral partnership.

“The productive meeting augurs well for the overall relations between our two countries,” pahayag ni Romualdez na kasama ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito kay Biden.

Muling iginiit ni Romualdez ang panawagan ni Pangulong Marcos sa American businessmen na maginvest sa Pilipinas, aniya, maraming lugar sa bansa ang maaaring paglaaanan ng pondo ng mga investors.

“They could invest in manufacturing, railways and other infrastructure, power generation, and private-public partnership projects. As President Bongbong Marcos has said, we now have an improved investment climate in the Philippines,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos sa harap ng mga US businessmen na hindi nya kayang ma-imagine ang future ng Pilipinas nang wala ang US bilang isa sa partner nito. Gail Mendoza