PH vaccination plan ‘di nagbago; population protection sa 2021 target – Dizon

PH vaccination plan ‘di nagbago; population protection sa 2021 target – Dizon

July 15, 2021 @ 9:30 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nananatiling target ng pamahalaan na makamit ang population protection bago matapos ang taon.

Sinabi ni National ask Force (NTF) against Covid-19 deputy chief implementer, Secretary Vince Dizon na walang mababago sa plano sa target timeline para sa population protection hangga’t nakatatanggap ng Covid-19 vaccines ang bansa mula sa iba’t ibang pharmaceutical companies.

“We are not changing our target yet kasi nga alam natin na basta merong bakuna kaya nating maabot yan ,” ayon kay Dizon sa isang media briefing sa SM Megamall, sa Mandaluyong City.

Kumpiyansang tinukoy ni Dizon na mananatiling makakamit ang population protection bago matapos ang taon.

Iyon nga lamang aniya ay depende pa rin sa suplay ng bakuna.

“To date, the Philippines has received 21,779,910 total anti-Covid-19 vaccine doses, of which 13,817,358 doses have been administered to healthcare workers, senior citizens, persons with co-morbidities, economic workers, and indigents, across the country,” ayon kay Dizon.

“Of the number, 9,932,127 Filipinos have received their first shots of Covid-19 vaccines, while 3,885,896 were fully vaccinated,” dagdag na pahayag nito.

Sa Mandaluyong, sinabi ni Mayor Carmelita Abalos na nakapagbakuna na sila ng 319,073 resident, na may katumbas na 60 porsiyento ng target population nito para sa vaccination program.

“Pagka tuluy-tuloy ang supply ng bakuna sa amin ang target namin ngayon August matatapos namin yan ,” ayon sa Alkalde.

Ani Abalos, ginagawa ng city government ang lahat ng makakaya nito para paigtingin ang pagsisikap na matugunan ang vaccine hesitancy.

Sa katunayan, ay nagsagawana sila ng house-to-house para ipaliwanag ang kahalagahan na mabakunahan laban sa anti-Covid 19.

Sinabi pa ni Abalos na layon ng lungsod na bakunahan ang lahat ng lolo’t lola hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan. Kris Jose