Ph VEP walang malinaw na rekomendasyon sa COVID booster shot

Ph VEP walang malinaw na rekomendasyon sa COVID booster shot

September 1, 2021 @ 5:11 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ng Vaccine Expert Panel (VEP) na wala pang malinaw na rekomedasyon sa pagbibigay ng booster shots o third shot ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa ilan pang sektor.

Ayon kay VEP Head Dr. Nina Gloriani, ang All Experts’ Group ay patuloy na nagbabantay sa buong mundo.

Giit ni Gloriani, maraming dapat ikonsidera sa pagbibigay ng booster shots.

“Number one is epidemiology of the breakthrough cases, whether it is coming from healthcare workers or from other citizens,” she said. “Then, we also look at the disease severity,” paliwanag pa nito.

Samantala, sinabi ni Gloriani na tinitingnan na ng VEP ang pag-iisyu ng guidelines sa pagtuturok ng booster shots o ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.

“We hope soon because we are already on the sixth month since we started vaccination.” RNT/FGDC