PH wala pang tugon sa hiling na phone call ng Ukraine

PH wala pang tugon sa hiling na phone call ng Ukraine

January 11, 2023 @ 3:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi pa rin sumasagot ang pamahalaan ng Pilipinas partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hiling ng Ukraine na makausap ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky para pag-usapan ang gampanin ng bansa sa Ukraine-Russia conflict.

“We are requesting a phone call between the President of Ukraine and at that time, President-elect Marcos, but we haven’t gotten a reply from the presidential office yet,” sinabi ni Denys Mykhailiuk, Chargé d’affaires ng Ukraine Embassy sa Malaysia.

Sa press briefing kasama ang mga mamamahayag ng Pilipinas, sinabi ni
Mykhailiuk na kinokontak na nila si Marcos sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) dalawang beses isang buwan simula pa noong Hunyo 2022.

“The proposal is still standing,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Malakanyang at DFA kaugnay ng isyung ito. RNT/JGC