Ph walang banta ng terorista; PNP maghihigpit sa seguridad  

Ph walang banta ng terorista; PNP maghihigpit sa seguridad  

September 15, 2021 @ 7:54 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na impormasyon sa posibleng pag-atake ng terorista sa bansa.

Ito ay sa kabila ng babala ng Japan Ministry of Foreign Affairs sa potensyal na pag-atake sa Southeast Asia.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, patuloy silang nagbabantay sa intelligence reports.

“We have not received any report on possible terror attacks as advised by the Japan Foreign Ministry but this does not mean that we would lower our guard on this matter,” aniya.

Bukod sa Pilipinas, nagbabala rin ang Japan Ministry of Foreign Affairs sa Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at Myanmar na nalalagay sa posibleng suicide bombings.

Tiniyak naman ni Eleazar sa publiko na patuloy paiigtingin ng PNP ang kanilang intensified intelligence-gathering measures to upang maiwasan ito.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa militar upang ma-secure ang bansa. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •