PH women’s football team mapapasabak vs Africa, NZ sa Dubai

PH women’s football team mapapasabak vs Africa, NZ sa Dubai

August 3, 2022 @ 4:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaron ang Philippine women’s football team ng de-kalidad na friendly games ngayon taon matapos nilang hablutin  ang AFF Women’s Championship title.

Ayon sa Philippine Football Federation president Mariano Araneta, sasabak ang mga Pinay sa dalawang friendly games sa Dubai na itinatakda  sa Oktubre.

Meron din umanong nakahanay na friendly game para sa mga Pinay na gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre.

 “Sana, ma-arrange natin na maglaro sila sa Dubai laban sa isang African team at siguro New Zealand team,” ani Araneta.

“Gustong pumunta dito ng Jamaica sa November. Sana, makapaglaro tayo ng Jamaica dito at baka isang Asian country. Gusto rin ng Uzbekistan na maglaro dito kaya baka magkaroon tayo ng tri-nation tournament laban sa Jamaican at laban sa Uzbekistan,” dagdga ni Araneta.

Ang mga laban na pinaplano ay hiwalay pa rin sa inisyal na panukala kung saan ang mga Pinay ay maglalaro ng isang friendly laban sa Costa Rica at isang pocket tournament sa susunod na taon sa mga buwan na humahantong sa 2023 Fifa Women’s World Cup.

“Pupunta sila sa Costa Rica sa Oktubre upang maglaro ng dalawang laro laban sa Costa Rica,” sabi ni Araneta.JC