PHAPI: 20 private hospitals apaw na sa COVID-19 patients

PHAPI: 20 private hospitals apaw na sa COVID-19 patients

January 13, 2022 @ 7:29 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nasa ‘critical level’ na ang healthcare utilization rate ng 20 na pribadong ospital sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Private Hospitals Association Philippines (PHAPI).

Sinabi ni PHAPI President Jose de Grano na ang nasabing mga pribadong ospiral ay naabot na ang 85% occupancy rate.

Sa pamantayan ng Department of Health kapag naabot na ang 85% occupancy rate maituturing nang kritikal ang lebel ng nasabing ospital sa COVID-19.

“Bigla talaga, dati nag 200 (kaso) lang tayo, ani Grano.

Para kay De Grano, mas makatutulong sa mga ospital ang pagtaaas ng alert level 4 para mahigpitan ang galaw ng tao.

“Para mas may control sa taong lumalabas at pumupunta sa malls. You need to control your mobility. RNT