PHAPI: Maaga pa para kalusin face mask requirement

PHAPI: Maaga pa para kalusin face mask requirement

September 19, 2022 @ 9:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa umano tama ang panahon upang alisin ang mandatory use ng face masks sa outdoor settings sa bahagyang pagtaas ng COVID-19 admissions hamula nang luwagan ang mga restriksyon, ayon sa top official ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI).

Ayon kay PHAPI President Dr. Jose de Grano, dapat na patuloy na magsuot ng face masks ang publiko dahil sa panganib na mahawa sa COVID-19.

“Kami po, kasama po ang mga karamihan sa mga medical workers, mga doktor, at saka siguro mga healthcare worker at ito pong mga hospitals, ay ang tingin po namin ay masyado pang maaga ito. But anyway, nandiyan na ang kautusan,” ani de Grano nitong Linggo.

Ito ang tugon niya sa Executive Order 3 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang linggo, na pumapayag sa voluntary use ng face masks sa outdoor spaces.

“Pinapayuhan natin ang mga kababayan, baka iniisip kasi nila na may kautusan na ganyan ay libre na po tayo, na safe na po tayo. Sa kasalukuyan po nandiyan pa rin, nandiyan pa rin po ang COVID-19 at hindi po ‘yan nawawala pa,” aniya pa.

Ayon pa kay de Grano, kung may pagtaas sa admissions, manageable naman ito dahil karamihan sa mga kaso ay mayroon lamang mild symptoms at inaabisuhang magpagaling sa bahay,

“In another two weeks, makikita natin kung talagang tataas ulit ang number of cases at sana po ay hindi tumaas,” sabi niya.

“Siyempre kami naman po ay handa na mag-admit ng mga pasyente kung kinakailangan,” dagdag pa ni de Grano.

Nakapagtala sa Pilipinas nitong Linggo ng 2,367 bagong COVID-19 cases, dahilan upang sumampa sa 26,401 ang mga aktibong kaso. RNT/SA