Phase 1 ng Meta, PH internet project kasado sa mid-2023 – DICT chief

Phase 1 ng Meta, PH internet project kasado sa mid-2023 – DICT chief

December 6, 2022 @ 5:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- itinakda ang unang phase ng internet project ng pamahalaan at Meta, dating Facebook, sa kalagitnaan ng 2023, ayon kay Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy nitong Martes.

“We’re expecting that to go live probably by middle of next year,” ani Uy sa Commission on Appointments committee hearing, at idinagdag na ang imprastraktura para sa internet project sa Luzon ay nakahanda na.

Saklaw ng unang phase ang Laoag hanggang Quezon City habang saklaw ng ikalawang phase ang Metro Manila hanggang Bicol Region.

“That will be (operational) a year after the first phase comes live. So we are looking at 2024,” aniya,

Noong 2017, nakaipag-ugnayan ang Philippine government sa Facebook, na ngayon ay Meta, sa paglikha ng cable landing system, na target pagbutihin ang internet speeds upang umabot hanggang 2 terabits per second (Tbps) sa pagkonekta sa bansa sa ibang bahagi ng Asya at Estados Unidos.

Sa ilalim nh partnership,  bubuo ang Meta at patatakbuhin ang cable system ng cable stations sa Baler, Aurora at sa Poro Point sa San Fernando, La Union.

Nitong Hulyo, sinabi ni DICT Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo na target iaktiba ang National Broadband Program’s Luzon Bypass Infrastructure project sa susunod na taon. RNT/SA