Phaseout ng dyip, nais paimbestigahan ni Salceda

Phaseout ng dyip, nais paimbestigahan ni Salceda

March 2, 2023 @ 7:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang resolusyon ang inihain ni Albay Rep. Joey Salceda na naghihikayat na imbestigasyon ng Kamara ang planong pagphase out sa pampasaherong jeepney bilang bahagi ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Ayon kay Salceda, ang Memorandum Circular No. 2023-13 na ipinalabas ng LTFRB na nagtatakda ng phase out sa Public Utility Jeepney(PUJ) ay hindi dumaan sa masusing pag aaral.

“The memorandum is not accompanied by a study or by an impact and contingency analysis for the 96,000 jeepneys which may lose their franchises. Public utility jeepney (PUJ) operators and drivers were the hardest-hit during the implementation of COVID-19 pandemic restrictions, with as much as PI02 billion in PUJ revenues being foregone during the lockdowns,” ani Salceda.

Aniya, isinantabi ng LTFRB ang libo-libong driver na mawawalan ng trabaho gayundin ang 11.5 milyong arawang jeepney commuters ng PUJ.

Huyo 30, 2023 ang unang itinakdang petsa ng LTFRB para sa phaseout subalit kumambyo ito at sinabing sa December 31, 2023 na ito ipatutupad kasunod ng mga protesta mula sa jeepney operators at drivers.

Sinabi ni Salceda na tutol sya sa jeepney phaseout kung wala namang mabibigay na tulong sa mga apektadong drivers.

“Totally, I oppose it without government providing concrete assistance to help PUJs cooperativize or to provide ample seed funding for their cooperatives. Even the end-2023 extension is not enough,” pagtatapos ni Salceda. Gail Mendoza