Phil. Basketball team, kasama na sa ise-send off ng gobyerno papuntang Indonesia

Phil. Basketball team, kasama na sa ise-send off ng gobyerno papuntang Indonesia

August 7, 2018 @ 10:39 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na kabilang na ang basketball team sa isi-send off ng pamahalaan na mga atletang sasabak sa Asian Games sa Indonesia sa August 18 hanggang September 2.

Sinabi ni Go na isasagawa ang send off ceremony sa mga atletang Pinoy sa Agosto 13 na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Matatandaang noong weekend ay umapela si Go na isang basketball enthusiast sa mga basketball associations ng bansa na bumuo ng kuponan na magiging kinatawan ng bansa sa Asian games.

Muling iginiit ni Go na manalo matalo ang mahalaga ay ipinakita ng Pilipinas sa buong mundo na nagkakaisa ang mga Pinoy at hindi umaatras sa anumang hamon ng buhay.

Pinasalamatan din nito sina PBA commissioner Willie Marcial, PBA Chairman Ricky Vargas, SBP President Al Panlilio at iba pa na nakipagkaisa sa kanyang paniniwala.

Kampante din si Go na sa tulong ni head coach Yeng Guiao ay mabibigyan ng Philippine team ng magandang laban ang ibang kuponan na kasama sa kompetisyon. Kris Jose