PHILHEALTH AT DICT, MAGKAKAROON NG SYNCHRONIZED AT WELL-COORDINATED ICT SYSTEM

PHILHEALTH AT DICT, MAGKAKAROON NG SYNCHRONIZED AT WELL-COORDINATED ICT SYSTEM

March 18, 2023 @ 12:55 AM 2 weeks ago


Lumagda kamakailan sa isang Memorandum of Understanding ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Informa-tion and Communication Technology (DICT) upang magkaroon ng synchronized at well-coordinated ICT system at mas matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at   applications ng dalawang ahensya.

Dahil sa nasabing kasunduan, inaasahang mapabubuti ang serbisyo ng PhilHealth sa 111 milyong Filipino nasaan man sila sa mundo.

Sa ilalim ng partnership, susuriin ng DICT ang kasalukuyang sistema ng PhilHealth para makapagbigay    ng rekomendasyon at istra- tehiya para mapagbuti pa     ang ICT system ng nasabing ahensya.

¬†‚ÄúMaraming proseso at serbisyo ang PhilHealth na kailangan ng computerization at digitalization upang lalong maging mabilis at kasiya-siya sa lahat ng Filipino. Isa ito sa mga plano na inilahad namin kay President Bongbong Marcos Jr. Hindi namin bibiguin ang Pangulo at ang la-hat ng kababayan natin‚ÄĚ, ani ni PhilHealth Chief Emma-nuel R. Ledesma, Jr.¬† Nagpasalamat din siya sa DICT team sa pangunguna ni Sec. Ivan John Uy at Usec. David Almirol, Jr. para sa kanilang suporta sa PhilHealth ¬† ¬†digital transformation plan.

Sinabi naman ni Sec. Uy na ang kasunduan ay maituturing na ‚Äúmilestone in terms of e-governance‚ÄĚ dahil ito ay tutugon sa matagal nang hamon ng pagdi-digitize ng public health care. Dagdag pa ni Uy, makakatulong ang naturang partnership sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo at pagpapadali ng paggamit ng benepisyong PhilHealth.

BARMM NANATILING PINAGMUMULAN NG PINAKAMARAMING ISDA SA BANSA

ANG Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao ang siyang nangungunang pinagmumulan ng pinakamaraming isda sa   bansa ayon sa datus ng PSA o ng Philippine Statistics    Authority.

Ayon sa inilabas na Fisheries Situation Report, mula taong 2021 at 2022 ay ang BARMM ang siyang nakapagtala ng pinakamaraming nahuling isda na umabot sa 4.25 metric tons noong 2021 at 4.34 metric tons noong 2022.

Pinasalamatan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ang mga mangingisda ng mga    lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Tawi-Tawi, at Sulu para sa kanilang malaking kontribusyon sa      rehiyon at sa bansa.

Ipagpapatuloy umano ng MAFAR ang masaganang huli ng isda sa rehiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang kinakailangang tulong kabilang ang teknikal na tulong      at ugnayan ng mga mangingisda, lokal na pamahalaan, at mga fisheries research    institution.