PHILHEALTH AT GOV’T. HOSPITALS NAGTUTURUAN NG KAPALPAKAN

PHILHEALTH AT GOV’T. HOSPITALS NAGTUTURUAN NG KAPALPAKAN

January 14, 2022 @ 12:29 PM 1 week ago


HILONG talilong ngayon ang taumbayan sa kapalpakan ng Philhealth at ilang pampublikong ospital sa bansa kaugnay sa pagkakautang nito sa bawat isang nagtuturuan ng kasalanan kung saan ang mamamayan ang sumasalo sa pagkawindang-windang ng serbisyo.

Kung ang management ng tertiary hospitals ang tatanungin,ang usad-pagong na proseso ng paniningil sa Philhealth ang ugat ng pagkalas nito sa akreditasyon upang patuloy na ipatupad ang libreng gamutan lalo na sa nakararaming mahihirap na pasyente.

Bangkarote nga naman ang mga ospital sa bayarin ng ahensyang ito na umabot na ng 24 bilyong piso mula nang balasahin ni Pangulong Duterte ang mga opisyal nito bunsod sa sumabog noon na kontrobersyang Interim Reimbursement Allowance na pinagkakitaan nang husto ng mga buwaya sa Philhealth.

Sa madali’t sabi, posibleng ang mabagal na proseso ng pagsingil ng pagkakautang ng mga ospital sa Philhealth ay dahil sa binubusisi nan

g husto ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Dante Gierran upang matukoy kung may kabulastugan na namang nangyayari.

‘Yun nga lang at apektado na ang serbisyo ng mga pagamutan ang milyon-milyong mahihirap na mamamayang umaasa sa Universal Health Care ng gobyerno at wala nang matatakbuhan ngayon mula nang tumigil na sa pagtanggap ito ng mga pasyenteng tanging ang Philhealth coverage ang sinasandalan.

Pa bida-bida naman yata ‘yang halos isang taon na daw na paniningil ng mga ospital sa Philhealth na animo’y higit pa sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kabagal kung saan tagilid na ang serbisyong medikal para sa mahihirap na kababayan.

Heto pa, kung may nabayaran man ang Philhealth na mga ospital kaugnay sa mga health coverage nito, hindi rin naman nakukubra ng mga pasyente ang reimbursements dahil sa sindikato naman na naglipana sa mga pagamutang ang taga loob mismo ang kumukuha.

Patunay riyan ang rekord na ibinibigay ng Philhealth sa mga kasapi nitong pasyenteng may petsa pa ang pag-release ng reimbursements at pirmado pa man din ang pagkubra subalit hindi naman natanggap ng totoong benepisyaryong ang dahilan naman ng mga sinungaling at buwayang taga ospital ay hindi pa raw nagagawan ng tseke.

Tangna, hindi malaman ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling at mistulang budol-budol na ang ahensya at mga pagamutang ‘yan.