PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022

PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022

May 6, 2022 @ 9:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tataas na sa darating na buwan ng Hunyo ang kontribusyon sa PhilHealth.

Ayon sa Philhealth, mula sa kasalukuyang 3% ay tataas na sa 4% ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan.

Alinsunod ito sa Universal Health Care Law.

Sinasabing, sa susunod na buwan pa magsisimula ang paniningil ng mas mataas sa premium dahil ia-adjust pa ng Philhealth ang kanilang IT system.

Tataas dapat mula sa 3% tungo sa 3.5% ang premium, Enero noong nakaraang taon subalit sinuspinde ito dahil sa pandemiya.

Pag-aaralan naman ng Philhealth kung sisingilin pa nila sa mga miyembro ang halaga ng kontribusyon na hindi nakolekta dahil sa suspensyon.

Target ng Philhealth na makakolekta ng P180 bilyong piso ngayong taon mula sa mga kontribusyon. Kris Jose