PhilHealth, delayed pa rin sa pagbibigay ng claims kahit digital na – COA

PhilHealth, delayed pa rin sa pagbibigay ng claims kahit digital na – COA

December 6, 2021 @ 10:24 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa delayed na pagbabayad nito sa mahigit kalahating milyong claims na aabot sa mahigit P6 bilyon nitong 2020.

Ito ay sa kabila ng pagsasailalim sa digitalization ng payment system nito ang nasabing ahensya.

Ayon sa COA, pangunahing layunin ng electronic claims o eClaims ng PhilHealth ay ang mabawasan ang turnaround time at mapaunlad pa ang operational efficiency ng pagproseso at pagbabayad ng mga claims.

Sa kabila nito, tila kabaliktaran pa ang nangyari dahil batay sa 2020 audit report ng COA sa PhilHealth na inilabas nitong Biyernes, Disyembre 3, delayed ang karamihan sa pagbabayad sa mga claims lalo na sa National Capital Region at Rizal.

Napag-alaman na nitong 2020, 649,893 claims na nagkakahalaga ng P6.53 bilyon ang nabayaran lampas sa itinakda ng batas na 60 araw na pagbibigay nito.

Walong beses na mas mataas umano ang delay kumpara sa 81,250 na claims noong 2019 na nagkakahalaga naman ng P786.75 milyon.

β€œWith the implementation of eClaims, it presents opportunities for fraud detection, monitoring and prevention,” diin ng COA.

β€œIn other words, the benefit claims processing under eClaims will enable the validation of the information quickly, adjudicate the claims against a schedule of benefits and pay the correct health provider with the end view of reducing the TAT,” dagdag pa nito.

Sumagot naman ang PhilHealth at sinabing maaaring kabilang sa mga claims na inilagay nila sa ‘on hold’ status ang mga tinutukoy ng COA.

β€œThese refer to processed, reviewed, and evaluated claims but were put on hold or had undergone interruptions or delays due to system and policy issues.”

Pinayuhan naman ng COA ang PhilHealth na magpasa ang mga regional offices sa NCR at Rizal ng patunay na ang mga naprosesong claims higit sa 60 araw nitong 2020 ay mga crude claims. RNT