PhilHealth: Dialysis service centers sa lahat ng gov’t hospitals posible sa UHC law

PhilHealth: Dialysis service centers sa lahat ng gov’t hospitals posible sa UHC law

February 16, 2023 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posible ang pagtatatag ng The dialysis service facilities sa lahat nf national, regional, at provincial government hospitals sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law, ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Huwebes.

Inilahad ito ni PhilHealth senior manager for corporate communications Rey Baleña sa panayam nang tanungin ukol sa inihaing panukala na nag-uutos sa lahat ng government hospitals na magtatag ng sariling dialysis service centers sa loob ng limang taon.

“Palagay ko, sapagkat tayo ay nasa Universal Health Care law na, at puspusan naman ang pagkilos ng lahat ng sectors, sapagkat whole of government and whole of society approach na po ang ating approach diyan, eh hindi malayong mangyari ‘yan,” pahayag niya.

“Ang PhilHealth ay nandito para kumbaga ang mga facilities na ‘yan tignan para ma-accredit sila at maibigay ‘yung benefits sa mga pasyenteng magpapa-dialysis sa mga centers na ‘yan na ise-set up sa pamamagitan ng panukala na ‘yan,” dagdag ni Baleña.

Sa House Committee on Health hearing nitong Miyerkules, naghayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa nasabing panukala subalit sinabing maaaring makasama ang implementasyon nito sa maliliit na ospital. Aabutin ng P26 milyon ang pagtatatag ng dialysis center at P8 milyon para sa taunang maintenance.

Samantala, sinabi ng Department of Budget and Management na pag-aaralan nito ang panukala.

Iminungkahi naman ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), sa hearing, na magbigay ng lifetime support para sa hemodialysis patients, na babayaran naman ng state health insurer.

Sinabi ni Baleña na bahagi ng bagong benefit package para sa 2023 ang pagpapalawig ng saklaw ng dialysis sessions mula 90 sa 156 sesyon. RNT/SA