PhilHealth exec nagbitiw; kooperasyon sa imbestigasyon tiniyak

PhilHealth exec nagbitiw; kooperasyon sa imbestigasyon tiniyak

August 6, 2020 @ 4:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbitiw na rin si Philippine Health Insurance Corp Vice President for Operations Augustus De Villa ngayong Huwebes.

Ang pagbibitiw ni De Villa ay sinabi niyang “irrevocable resignation.”

Sa kabila nito, nangako naman siyang tuloy ang kanyang kooperasyon sa kaliwa’t kanang imbestigasyon ukol sa mga anomalya na ipinupukol sa state-insurer.

“Be assured that I will make myself available for the ongoing investigations in aid of legislation in both Houses of the Congress of the Philippines.”

Si De Villa ay isang retiradong military officer. Hindi naman niya inilagay ang rason ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Aniya na naabisuhan na rin niya si PhilHealth president and chief executive officer Ricardo Morales ukol sa kanyang pagbibitiw. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...