PHILHEALTH HINIMOK NA ISAMA SA PAKETE ANG CARDIAC REHABILITATION

PHILHEALTH HINIMOK NA ISAMA SA PAKETE ANG CARDIAC REHABILITATION

January 31, 2022 @ 11:59 AM 8 months ago


NANAWAGAN ang Philippine Heart Association sa Philippine Health Insurance Corporation na isama sa Z-Benefits ng ahensya ang cardiac rehabilitation.

 

Naniniwala ang P-H-A na binubuo ng higit kumulang dalawang libong miyembro na malaki ang benepisyo ng cardiac rehabilitation para magkaroon ng mas mahaba at kalidad na buhay ang isang tao.

 

Matapos makaranas ng heart attack ang isang pasyente, malaking tulong ang cardiac rehabilitation para sa recuperation and revitalization. Napapabilis nito ang paggaling at naiiiwas sa kasunod pang atake sa puso.

 

Sa kasalukuyan, ang sinasagot lang ng PHILHEALTH ay ang bilang ng mga araw na naka-confine sa ospital ang pasyente, ang kasunod na sessions ng tatlong buwang programa ay sagutin na ng pasyente. Kaya ang resulta, ang compliance rate ay nasa 10% hanggang 15% lamang.

 

Ang heart diseases ang siyang nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino. Sa datus ng PSA o ng Philippine Statistics Authority, may naitalang 91,152 kaso nitong taong 2021 o mas mataas ng 18.5% kumpara noong taong 2020.

 

Base sa panayam ng inyong lingkod noong nagpunta kami sa Taiwan at Hong Kong, nagtanong ako sa mga Oversea Filipino Workers na nagtatrabaho sa nabannggit bansa. Ang binabayaran nilang health insurance rate ay halos kaparehas lang sa Pilipinas, ngunit, pagdating sa benepisyo, mas malaki ang benepisyo nakukuha nila.

 

Isang halimbawa, kapag sinabi ng kanilang doctor na kailangan niya ma-operahan agad, hindi muna uuwi ang ating OFW dahil magpapagamot muna sila sa Taiwan. Ang kwento nila sa akin, nasa 10% lamang ang kanilang cash out o ibabayad sa ospital.  90% sagot ng pamahalaan health insurance. Samantala dito sa Pilipinas, 10 hanggang 15% lamang ang pwede ikaltas sa inyong hospital bill.

 

Sa darating na Huwebes, February 3 (8:00 – 9:00am) ay aalamin natin ang kasagutan buhat sa PHILHEALTH sa programang HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO sa DWBL1242 kHz AM band o sa facebook page TV RADIO HILDA ONG.