PhilHealth nakapagpalabas na ng P66.3B para sa COVID-19 claims mula 2020

PhilHealth nakapagpalabas na ng P66.3B para sa COVID-19 claims mula 2020

February 18, 2023 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagpalabas na ang Philippine Health Insurance Corporation has ng P66.3 bilyong halaga ng COVID-19-related benefits claims mula nang mag-umpisa ang pandemya, ayon sa opisyal ng state insurer nitong Biyernes.

Sinabi ni Rey Baleña, acting vice president ng PhilHealth’s corporate affairs group, na kabilang sa claims ang testing, community at home isolation, at hospitalization.

“From January 2020 to February pa lang of 2023, meron na ho tayong kabuuang P66.3 billion na naibayad for COVID claims,” aniya sa virtual townhall forum na inorganisa ng Department of Health.

Nagbibigay ang state health insurer ng coverage mula P800 hanggang P2,800 para sa RT-PCR tests at P500 para sa rapid antigen test, base kay Baleña.

Nag-aalok din ang PhilHealth ng coverage na P5,917 para sa home isolation at P22,449 para sa community isolation.

Samantala, makakukuha ang COVID-19 patients ng benepisyo mula P43,997 para sa mild pneumonia at P786,384 para sa critical pneumonia, base kay Baleña.

Hanggang nitong September 2022, ang state health insurer ay mayroong P224 bilyong reserve fund. Mayroon din itong P355 bilyong investment portfolio. RNT/SA