Philhealth officials, pinagsosoli ng bonus at allowances na naibigay noong 2010

Philhealth officials, pinagsosoli ng bonus at allowances na naibigay noong 2010

October 8, 2018 @ 3:59 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inatasan ng Commission on Audit (CoA) ang mga dating opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) kabilang ang mga dating Board Directors nito na i-reimburse ng ahensya ang kabuuang P51.18 milyong illegal bonuses at allowances na naibayad noong 2010.

Sa limang pahinang desisyon ng COA noong October 5 ay tinukoy ng COA Commission Proper na tanging ang matataas na opisyal lamang ng PHIC ang dapat na mag-reimbursed dahil ang mga ordinasyong empleyado ay tumatanggap lamang samantalang ang mga opisyal ang nagpapasiya dito.

“The approving and certifying officers shall remain solidarily liable for the disallowance amounting to P51,183,759.04. The Board of Directors and the President and Chief Executive Officer of Philhealth shall likewise be solidarily liable,” nakasaad sa atas ng COA.

Kabilang sa mga bonus na hindi pinahihintulutan ay ang educational assistance allowance na P9.504 milyon, productivity incentive bonus na P9.169 milyon, Christmas package na P8.938 milyon, welfare support assistance na P7.194 milyon, labor-management relations gratuity na P5.93 milyon, shuttle service assistance na P5.179 milyon at anniversary gift na P1.279 milyon.

Ang lahat ng pondong ito ay inilabas sa pagitan ng January hanggang sa December 2010.

Batay sa beripikasyon na isinagawa ang president noon ng Philhealth at CEO ay si Dr. Rey Aquino mula April 2009 hanggang October 2011.

Sa naunang pagsisiyasat ng COA ay nakumpirmang iligat at hindi otorisado ang mga nailabas na bonuses, allowances at mga regalo dahil hindi ito nakasunod sa Presidential Decree No. 1597 na nagsasabing kailangan ang pagsang-ayon ng Office of the President o ng Department of Budget and Management.

“The main source of Philheath’s operating budget is the contribution of its members. Like any other social insurance, the members’ contributions are treated as a trust fund and thus, should be managed and protected with utmost integrity,” nakapaloob pa rin sa desisyon ng COA. (Meliza Maluntag)