PhilHealth sa mga pribadong ospital: Tell us your issues

PhilHealth sa mga pribadong ospital: Tell us your issues

December 30, 2021 @ 5:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- “He has to tell us exactly what his issues are.”

Ito ang naging pahayag ni Dr. Shirley Domingo, spokesperson ng state insurer PhilHealth, kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano, ilang oras matapos sabihin ng huli na itutuloy ng grupo ang “PhilHealth holiday” sa Enero o Pebrero sa isang taon.

Nauna nang sabihin ng PHAPI na hinihikayat nito ang mga miyembro na tanggihan ang PhilHealth deductions para sa kanilang serbisyo sa Enero 1 hanggang 5, 2022, bilang pagpapakita ng suporta sa pitong ospital sa Iloilo na kumalas sa state insurer dahil sa P895 milyong unpaid claims. 

Subalit naantala ang planong “PhilHealth Holiday” ng grupo,  dahil sa hiling ng mga pasyente “to be informed well and advised on what to do during the holiday.”

“I hope he (De Grano) tells us exactly what else we have to discuss, para (so) we can sit on the table again, and find out what we can do regarding their issues,” ani Domingo sa ABS-CBN News.

“We would want to listen to him and hear from him kung ano ‘yung other issues he’s referring to, para ma-address natin,” patuloy niya.

Bago ang anunsyong ito, nakipagpulong si De Grano sa PhilHealth officials ukol sa mga problema ng pribadong ospital, ayon kay Domingo.

Sa naturang pagpupulong, sinabi niya na inihain ng PhilHealth ang mga panukalang pagbabago ukol sa pag-proseso ng claims.

Subalit nalaman lamang umano ng PhilHealth ang suspensyon ng “PhilHealth Holiday” sa media, ayon kay Domingo.

“After the announcement, we still have to wait for his (De Grano) plans kung ano ang balak nila, because wala pa silang any official word sa amin eh. Even regarding the ‘PhilHealth holiday,’ wala pa siyang official word sa atin,” sabi ni Domingo.

Sinabi naman ni De Grano sa ABS-CBN News nitong Miyerkules na dapat amyendahan ng PhilHealth ang “one-sided” Performance Commitment” nito sa private hospitals.

“He has to tell us what’s in the Performance Commitment,” giit ni Domingo. 

“Hindi niya binanggit ‘yan in previous meetings… So it’s best that we sit down and discuss what issues, dun sa table namin, sa meetings namin, before he goes out [to] media para naman ma-discuss namin thoroughly ang issues,” dagdag niya.

Nakikipag-ugnayan na umano ang mga regional office ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, base kay Domingo. RNT/SA