PhilHealth spox: Walang organisadong korapsyon

PhilHealth spox: Walang organisadong korapsyon

August 10, 2020 @ 11:43 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Walang organisadong korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon sa spokesperson nito.

Sa panayam, sinabi ni PhilHealth vice president for corporate affairs and spokesperson Dr. Shirley Domingo na ilang empleyado na dati ang nahulihang gumagawa nito.

“I don’t see it. There is no organized corruption there. But, I don’t discount the possibility that there are a few scattered corruptions,” aniya.

“May mga nahuli na kami n’yan in the past, sarili naming employees doing corruption,” dagdag pa nito.

Batay kay Domingo, sila ay nakasuhan na at tinanggal sa pwesto.

“No organized, big syndicate, big corruption. Hindi po tama ‘yung sinabing kinuha namin, binulsa ‘yung P15 billion na ‘yan,” ani Domingo.

“That went to the hospitals and dialysis centers not to the pockets of officers of PhilHealth.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...