PhilHealth umapela sa desisyon ng SC sa benepisyo ng retired officials, employees

PhilHealth umapela sa desisyon ng SC sa benepisyo ng retired officials, employees

January 4, 2023 @ 5:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Supreme Court (SC) na mabaligtad ang naging desisyun nito na pumapabor sa Commission on Audit (COA) na hindi pagpayag na ilabas ang P83 million na benepisyo sa mga dating opisyal at empleyado ng PhilHealth.

Sa inihaing motion for reconsideration, nais ng Philhealth na mabaligtad ang naging ruling ng COA noong 2018 dahil sa kawalan ng merito.

Iginiit ng Philhealth na may sapat na legal na basehan ang pagkakaloob ng benepisyo sa mga naging opisyal at kawani nito.

Magugunita noong 2014 nagkaloob ang PhilHealth ng educational assistance, allowance at birthday gifts sa mga opisyal at tauhan nito sa head office at mga regional office nang walang pag-apruba mula kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa SC, napawalang saysay ng PhilHealth ang konsepto ng fiscal autonomy, institutional authority para magtakda ng kompensasyon at nawala rin ang good faith.

Dagdag ng SC, walang absolute discretion ang PhilHealth para idikta ang compensation ng mga opisyal nito.

Sa inihaing mosyon, iginiit ng PhilHealth na may kapangyarihan ito batay sa Republic Act 7875 o National Health Insurance Act (NHI). Teresa Tavares